Una rito ang Taguig, ang taguig ay
kilala sa kanilang produktong itlog na maalat. Bawat isa sa atin ay nakakain na
nito. At alam na natin na isa ito sa napakasarap na pwedeng ipagmalaki hindi
lang ng lugar ng Taguig pati na rin ng Pilipinas.
Alam naman natin na ang Davao ang
may pinakamalaking produkto ng Durian. Sikat ito hindi lang sa davao maski sa
buong Pilipinas at ginawan nila ito ng ibat-ibang bersiyon kagaya nalang ng
Durian icecream. Sobrang malinamnam at napakasarap nito iba ito sa mga icecream
na natikman ko na.
Sa Mindanao naman alam nating lahat
na sobrang laki ng Mindanao ngunit isa ito sa may ipinagmamalaking mga produkto
kagaya ng Pastil ito ay gawa sa kanin na nilagyan ng ginisang flakes ng manok o
isda at ibinalot sa dahon ng saging.
Sa lugar naman ng Batangas, ang kanilang ipinagmamalaking produkto ay suman at kalamay sobrang swak itong partner at hindi ito nakakasawang kainin kahit araw-araw.
At ang pinakahuling lugar naman ay
ang Pagpangga, hindi mo talaga makakalimutan ang kanilang putaheng sisig. Gawa
ito sa hiniwang karne ng baboy at atay ng manok. Hindi mo talaga ito
makakalimotan dahil isa ito sa ginawang pulotan ng mga nag-iinoman.
Hanggang dito na lang ang aking Blog sana ay marami kayong nalaman
patungkol sa iba’t-ibang luigar sikat na produktong pagkain ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment